#IkawAtAkoParaSaPagbabago

Cortez, Carl Jabez P.                                                                                    04/11/2021

9-Andersen

 Sa mga nakalipas na na dekada. Ang bansang Pilipinas ay napasailalim sa iba't-ibang pananakop ng mga bansa tulad ng Japan, America, at Spain. Walang sariling kalayaan noon ang bawat Pilipino at hindi nagkakaisa ang bawat mamamayan dahil sa kawalan ng pas-asa na makamit pa nila ang kalayaan na kanilang tinatamasa. Ngunit dahil sa mga makabayang bayani ng ating bansa, nakamit rin natin sa wakas ang kalayaan ito noong June 12, 1898. Ito ay sa kadahilanang nagkaisa sila upang mapalaya ang ating bansa. Pagkakaisa rin ang susi sa isang matagumpay na lipunan, sa pamamagitan ng pagkakaisa ay nagigigng responsable ang bawat mamamayan sa isang lipunan. Magkakaroon rin sila ng sapat na talino upang makagawa ng mga proyektong makapagpapaayos ng kanilang tinitirhang lipunan.

Ngayon naman at tayo ay nasa ilalim ng pananakop ng isang respiratory virus na nagngangalang Corona Virus Disease 19 o COVID-19, kinakailangan natin magkaroon ulit ng matibay na samahan at pagkakaisa upang tutluyang mapaalis ang virus na ito sa ating inang bayan. Ang virus na ito ay umaalipin sa mga taong hindi alam ang kanilang responsibilidad sa lipunan at walang disiplina sa sarili. BInibiktima rin nito ang mga mamamayang hindi inaalala ang kalusugan ng kanilang mga kapwa. Halimbawa ng mga ito ay ang hindi pagsunod sa health protocols, hindi pagsusuot ng facemasks, at pagsuway sa mga community quaratines guidelines na ipinapataw ng pamahalaan para sa kaligtasan ng nakararami. Ang mga maaaring epekto ng hindi pagkakaisa ng mga mamamayan sa pagpuksa ng virus na ito ay malalang mga sakit at kamatayan.

Para ang ating bansa ay hindi na ialipin ng virus na ito, tayo ay: sununod sa mga health protocols na ibinibigay ng Department of Health. Laging magsuot ng facemask lalo na kung ikaw ay lalabas ng iyong tahanan. Maging updated sa mga bagong ibinabalita tungkol sa pandemya, at alamin kung ano ang mga dapat paniwalaan sa social media tungkol sa pandemya upang hindi malagay ang buhay sa peligro.

#IkawAtAkoParaSaPagbabago

Comments